Independence

Kumpanya kami na pribadong pagmamay-ari. Ang mga customer ang nasa gitna ng aming negosyo.

Independent na negosyo

Pandaigdigang negosyo ang Rebound Electronics na may turnover na €165m (2018) at 32 tanggapan sa 17 bansa. Nabuo namin ang aming alok at naaabot para matugunan ang mga demand ng market at matiyak na patuloy kaming makakapag-alok ng hindi mapapantayang antas ng serbisyo sa aming mga customer, anupaman ang laki o lokasyon ng kanilang negosyo. Tuluy-tuloy at sustainable ang aming paglago kasabay ng tagumpay ng aming mga customer.

Ang aming laki at pinansyal na integridad ay nagbibigay-daan sa aming maghatid nang maaasahan sa lahat ng sukat ng kumpanya, kabilang ang pinakamalalaking pandaigdigang enterprise.

Dahil pribadong pagmamay-ari, hindi kami nananagot sa mga shareholder kung hindi sa mga customer, kaya naman nasa sentro sila ng aming negosyo, at ito ang gumagawa sa amin na kakaiba. May kumpiyansa naming nasasabi na naghahatid kami ng de-kalidad, personal na serbisyo sa bawat isa sa mga customer namin, anuman ang sukat nila.

Mga independent na supplier

Bilang independent na supplier, kaya naming humanap ng mga component sa buong mundo, gamit ang aming centralised na purchasing hub sa Dubai at pandaigdigang network ng distribution. Nakikipagtulungan kami sa aming napakalaking network ng mga supplier para matulungan ang mga customer namin na mapamahalaan ang mga kundisyon ng market, patuloy na matugunan ang kanilang mga commitment at mapalago ang kanilang negosyo. Ang aming independence ng supplier ay nagbibigay sa amin ng kakayahang umangkop para parating makahanap ng solusyon.

Nauunawaan namin ang kahalagahan ng kalidad ng supply, kaya naman mahalagang bahagi ito ng aming negosyo. Ipinagmamalaki namin ang aming maringal na hanay ng mga ISO certification, at bilang karagdagang katiyakan, idinagdag namin ang sarili naming mga pasadyang proseso ng kalidad. Tinitiyak nito na ang aming mga customer ay parating may kumpiyansa sa integridad ng supply base. I-download ang aming mga certification ng kalidad.

Independent na diskarte

Hands-on at tumutugon ang aming team ng pangunguna at management, at ang buong team ng Rebound ay nakatuon at may kakayahan para maghatid ng personal na serbisyo para matugunan ang bawat pangangailangan ng mga customer. Sa pagiging independent, nagagawa naming mas nakakaangkop sa aming diskarte at ang aming kakayahang gumawa ng desisyon sa paghahanap, financing, stocking, atbp. para mahadlangan ang mga problema sa supply chain ng aming mga customer.

Tinitiyak ng mabilis na pagpapasiya, naiaangkop na mga solusyon, at proactive na serbisyo na pinagkakatiwalaang kasosyo kami sa aming mga customer.

Tungkol sa Rebound Electronics

Kayang ialok sa iyo ng UK team ng Rebound Electronics ng real time na suporta mula sa iisang point of contact. Tinitiyak ng naiaangkop na diskarte at mabilis na pagpapasiya na madali kaming makatrabaho at epektibong mga kasosyo para sa iyong negosyo.

Higit pa