Pangunguna

Ang tagumpay ng Rebound Electronics ay nagmumula sa aktibong pangunguna ng team na alam ang pasikut-sikot ng negosyo ng electronics, at naniniwalang lubos na ang ‘Customer Muna’ ay ang pinakamahusay na paraan sa pagnenegosyo.

Team ng Pangunguna

Sa simula pa ay nangunguna na si Simon Thake, ang aming Group CEO, sa industriya ng supply ng mga electronic component sa higit 30 taon. Unang-una, hinasa niya ang kaniyang mga kakayahan sa purchasing at material management, bago ang pagse-setup ng Freeway Electronics noong 1989 at pangunguna dito sa isang matagumpay na na pagbenta. Ang kaniyang sigasig para sa industriya at kagustuhan para sa customer delivery ay humantong sa kaniyang pagtatag ng Rebound kasama ang director ng Freeway na si Steve Madley noong 2003.

Sa kaniyang tungkuling bilang Group Sales Director, may pandaigdigang pananagutan si Steve para sa mga sales operation para sa Rebound Group. Ang kaniyang background sa purchasing at materials management ay nangangahulugang nauunawaan niya ang mga pangangailangan ng customer at ang pinahahalagahan nila. Tinitiyak niya na ang kaniyang kaalaman ay nasa sentro ng kung paano tumatakbo ang Rebound Electronics, na gumagarantiya sa mga positibong karanasasn ng customer.

Suportado ang Rebound Group ng malakas na financial management na ibinibigay ni Chief Finance Officer, Peter Griffith-Jones. Ang malawak na karanasan ni Peter sa sektor ng teknoloyiha, kabilang ang pamamahagi ng electronic component, ay nakatulong sa kaniya na mapamahalaan ang tuluy-tuloy at sustainable na paglago ng Group sa €165m na turnover (2018).

Istilo ng Pangunguna

Visionary at entrepreneurial, hindi lang nangunguna bilang halimbawa ang ngunit lubos silang nakikita sa loob ng organisasyon, kapwa sa team ng Rebound Electronics at sa aming mga customer. Patuloy silang nakikinig sa mga customer, umaayon para maiwasan ang mga problema sa supply chain at nag-aalok ng mga bagong serbisyo para matulungan silang patakbuhin ang kanilang mga negosyo nang mas mahusay.

Ang paggawa ng proactive na team ng mga tao na kasing focused at committed sa customer delivery na tulad nila ay mahalaga para kay Simon, Steve at Peter. Ang patuloy naming tagumpay ay itinatag sa kalidad ng aming mga tao, lahat ay makaranasan, propesyunal, maaasahan, at gustung-gusto ang kanilang ginagawa. Nagsusumikap kaming mabuti para makuha ang mga tamang tao, pasulungin ang kanilang mga kakayahan, at magawa nilang maihatid ang pinakamahusay na customer service hangga’t maaari. Tinitiyak ng pagbibigay kakayahan at pagsuporta sa pangunguna sa loob ng Rebound team na ang aming negosyo ay parating nangunguna sa landas.

Iba pang mga kumpanya ng Rebound

Karagdagan pa sa Rebound Electronics, binubuo ang Rebound Group ng Delta Impact at Easby Electronics. Nag-aalok ang Delta Impact ng naiaangkop na mga manufacturing solution para suportahan ang paglago ng negosyo nang walang panganib, at ang Easby Electronics ay isang service na prangkisa ng mga electronic component na may mahusay na presyo mula sa malawak na hanay ng mga manufacturer ng pangunguna sa teknolohiya.

Tungkol sa Rebound Electronics

Kayang ialok sa iyo ng UK team ng Rebound Electronics ng real time na suporta mula sa iisang point of contact. Tinitiyak ng naiaangkop na diskarte at mabilis na pagpapasiya na madali kaming makatrabaho at epektibong mga kasosyo para sa iyong negosyo.

Higit pa