QA at certification

QA at certification

Mahalaga sa amin ang pagpapanatili sa integridad ng supply chain. Tinitiyak ng metikulosong pagpili sa mga supplier, paghingi ng quality control at mga industry certification na maaari kang bumili mula sa Rebound nang may kumpiyansa.

Maaari mong i-download ang aming mga certificate at patakaran dito.

Mga Supplier

Maaari lang bumili ang Rebound team mula sa isang listahan ng mga aprubadong supplier, na ang karamihan ay natutunton. Maingat na pinili ang bawat supplier, sinuri, at inaprubahan ng aming quality team na patuloy na sinusuri at sinusubaybayan ang mga iyon para matiyak na napapanatili ang aming mataas na mga pamantayan.

Inspeksyon

Ang karamihan ng mga order namin ay tinatanggap sa aming quality controlled distribution hub sa UK, kung saan ang aming lubos na sinanay at makaranasang mga quality inspector ay maingat na sinisiyasat ang lahat ng mga piyesa bago ipadala ang mga ito. Kinukunan ng litrato ang mga piyesa, packaging, at label at ina-upload sa aming systemspara sa ganap na kakayahang matuntony.

Pagsubok

Upang matiyak na ang aming mga customer ay nakakatanggap ng mga dekalidad na piyesa, malaki ang ipinuhunan namin sa kagamitan para sa in-house na pagsubok. Binubuo ng; Creative Electron Truview prime X-Ray system na may kakayahang reel to reel, Abi Sentry Counterfeit IC detector, Keyence VHX-5000 Series microscope at isang baking oven para matiyak na production ready ang mga piyesa.

Warehousing

Matatagpuan ang aming distribution hub sa UK sa parehong site ng aming pasilidad sa pagsusuri, sinadya ang disensyo nito t iniangkop upang matugunan ang mga deman ng aming mga customer at ng Rebound. May kontroladong temperatura at ESD environment na angkop para sa pamamahala at storage ng mga electronic component. May kapasidad kaming iimbak ang parehong bultuhan at pang-customer na produkto sa lead time o alokasyon.

Pagsasanay

Bilang bahagi ng aming pangakong maghatid ng maaasahang mga electronic component sa aming mga customer, may nagpapatuloy na programa ng pagsasanay ang aming mga quality inspector. Gamit ang parehong external ant internal na mga pinagmumulan para maghatid ng pagsasanay tulad ng; IPC – Anti Counterfeiting at ESD, IDEA – Counterfeit Mitigation and Inspection Training, ito ang pamantayang kinikilala ng industriya at tumitiyak na ang lahat ng staff ay palaging napapanahon sa mga pinakabagong pagsulong.

Certification

Mayroon kaming ilang bilang ng mga certificate na nag-eendorso sa aming mga sistema ng quality management at may partikuluar na ipinagmamalaki sa aming mga pag-abot sa SC21 Silver Award na para sa 21stCentury Supply Chain Excellence sa Aerospace at Defence Industry. Ibinigay lang sa 30 kumpanya sa lahat ng sektor ng supply chain, pambihira ito sa market ng electronics distribution at katibayan ng aming quality control na nangunguna sa industriya.

Mga Serbisyo

Being independent allows us to offer you more than just component supply. Many customers come to us because they have an availability problem and stay with us for our proactive approach and support in managing their supply chain. We work closely with our customers, becoming partners as well as suppliers.

Higit pa