Mga Serbisyo

Mga Serbisyo

Naghahanap kami ng mga nate-trace na electronic component sa buong mundo para maiwasan ang mga problema sa iyong supply chain.

Ang ginagawa namin

Bilang independent na distributor ng electronic component, hindi kami nahahadlangan ng mga paghihigpit ng mga kasunduan sa franchise ng UK, na nagbibigay-daan sa amin na maghanap sa buong mundo ng mga component na kailangan mo, at sa pinakamagandang presyo. Nakabase sa Newbury, ang staff sa aming tanggapan sa UK ay nag-aalok sa iyong you responsive, real time na suporta at personal na serbisyo mula sa iisang point of contact. Pribadong pagmamay-ari, hindi kami nagpapatakbo sa mga layer ng management, kaya palagi kang nakikipag-usap sa isang taong may kakayahang tumulong at gumawa ng mga desisyon nang mabilis para suportahan ka sa iyong negosyo. Hahahanpin ang iyong ordoer ng aming our centralised na pandaigdigang purchasing hub sa Dubai, na tumitiyak na kami ang gumagawa para sa iyo nang walang tigil.

Binibigyang-daan ng aming pagiging independent na ialok sa iyo ang higit pa sa supply ng component. Maraming customer ang pumupunta sa amin dahil may problema sila sa availability at nananatili sa amin dahil sa aming proactive na pagkilos at suporta sa pangangasiwa sa kanilang supply chain. Nakikipagtulungan kaming mabuti sa aming mga customer, nagiging mga kasosyo gayun na rin ang pagiging mga supplier.

Paghahanap ng mga component na mahirap hanapin

Nagbibigay ang volatility ng market sa mga CEM at OEM ng regular na mga hamon sa supply sa loob ng network ng awtorisadong distributor na maaaring magpabagal sa produksyon o mapahinto ang mga production line. Binibigyang-daan kami ng aming kakayahang humanap ng mga electronic component sa buong daigdig na mahanap ang kailangan mo kapag kailangan mo, na nagpapanatili sa iyong supply chain na tumakbo at naaabot ang mga inaasahang benta ng produkto.

Kalidad

Mahalaga ang reliability at integrity ng mga electronic component na isinu-supply namin. Mayroon kaming lokal na pagsubok/pagsisiyasat at QA para matiyak na nakakaabot kami sa mga pamantayan na inaasahan mo at ng industriya. Availabvle ang aming mga accreditation dito para tingnan at i-download.

Mga pagpapababa ng gastos

Tinitiyak ng sakop ng aming negosyo na may mahusay kaming katayuan upang makuha ang pinakamahusay na presyo sa mga electronic component na hinahanap namin para sa mga customer namin. May mga kasosyo kami sa supply chain na nakabase sa buong daigdig at ilang taon ng history ng kalakaran para matiyak na nagbibigay kami sa mga customer ng pinaka-competitive na presyo.

Proactive na supply chain management

Ang pag-unawa namin sa market at ang aming mga customer ay nagbibigay-daan sa aming gumawa ng mga proactive na pagkilos para suportahan ang supply chain at maiwasan ang pagkakaroon ng mga problema. Nakikipagtulungan kaming mabuti sa aming mga customer para maunawaan ang kanilang mga kinakailangan at matiyak na ang mga customer namin ay bumibili sa tamang oras at sa tamang presyo para masiguro ang kanilang supply chain at mapamahalaang ang kanilang mga gastos nang epektibo.

Pamamahala sa labis na stock 

Dahil sa labis na stock, natatali ang iyong cashflow at espasyo ng warehose, bukod pa sa pagbaba ng halaga nito sa paglipas ng panahon. Maaaring makipagtulungan sa iyo ang Rebound para bilhin ang mga labis na component at magamit ang iyong mga resource nang mas mahusay.

Naiaangkop na diskarte

Pribadong pag-aaring negosyo ang Rebound, na nakatuon nang ganap sa paghahatid ng nangungunang customer service sa market. Kikilalaning mabuti ng aming nakakaalam at pinagkakatiwalaang team ang iyong negosyo, na nag-aalok sa iyo ng proactive na serbisyo at naiaangkop na mga solusyon na nakakatugon sa iyong mga partikular na kinakailangan.

Pangunguna

Ang tagumpay ng Rebound Electronics ay nagmumula sa aktibong pangunguna ng team na alam ang pasikut-sikot ng negosyo ng electronics, at naniniwalang lubos na ang ‘Customer Muna’ ay ang pinakamahusay na paraan sa pagnenegosyo. Tinitiyak ng kanilang nagpapatuloy na pagbibigay kakayahan at suporta ng pangunguna mula sa Rebound team na ang aming negosyo ay parating nangunguna sa landas.

Higit pa